baon lyrics (feat. gab chee kee) – gloc 9

[featuring: gab chee kee of parokya ni edgar]

[gab chee kee:]
mula nang makilala ka di na ako nakawala
saan saan ng dumaan hindi pa rin kita natatakasan
kahit saan ang magpunta parang ikaw ang nakikita
at kung ako’y mapatingin bigla na lang naglalaho
na parang hangin

[chorus: gab chee kee]
lagi kitang daladala
kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
iniisip pa rin kita
kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala

[gloc-9]
ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta
kahit saan makarating kung nandun ako narun ka
sa may quiapo sa lawton papunta ng luneta
naglalakad sa roxas boulevard sa may kuneta
astro dome dire-diretso sa may baclaran
sa simbahan tuhod ang gamit-gamit sa nilakaran
na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo
siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo
mama para sa tabi bababa na po kami
bumili ng malamig kasi nauhaw na kami
habang kami nag-aabang sa ilalim ng alabang
ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang
dinaanan ang sucat pagkatapos bicutan
biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan
kahit anong gawin nyo basta okay lang ako
kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko

[chorus: gab chee kee]

[gloc-9]
nang sumapit ang gabi dumaan sa may ayala
gusto mo maghapunan? sige mayamaya na
ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili
sa greenbelt o glorietta gamitin mo ang ‘yong daliri
bakit wala kang kibo galit ka pa rin ba sa akin?
may liham ako sa’yo eto subukan mong basahin
sa loob ng mrt kasi ang traffic sa edsa
makakaupo ka rin pagdating sa araneta
bumaba sa quezon ave., uy may shooting sa flyover
paborito mong artista na palaging nasa cover
wala ka bang makita kasi ang daming tao
sige halika dito may naisip akong plano
kumapit ka lang sa akin wag na wag kang bibitaw
teka medyo mataas wag na wag kang sisigaw
kahit anong gawing nyo basta okay lang ako
kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko

[chorus: gab chee kee]

[gloc-9]
nakita na nila ako kasalan mo kasi
ako’y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi
napa-aga ang pagdating at sa butas ng dingding
aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim
parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim
ako’y niloko, tinoyo, tinoyo naging malagim
wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik
di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik
di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay
dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay
patawarin mo ako kung sinaktan man kita
pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita
halika sumama ka sa’kin sabay tayong tatalon
hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon
di ka sa’kin mawawala kahit na sinong pumusta
kasama ng isang singsing ikaw ay nasa aking bulsa kaya

[chorus: gab chee kee]

/ feat gab chee kee gloc 9 lyrics