chicksilog lyrics – kamikaze

magdamag nag-aabang. maglalaro kaya?
ang dalagang nagtatago sa alyas na maldita.
sa dating tagpuan sa bayan ng prontera
sa tabi ng tindahan ng magic at sandata

nung minsan nga ay nag-alay ka pa ng buhay mo
nang kinalaban natin ang mga bagong dayo
natalo na sila at nagyaya kang magsaya
tanging hinihintay ang makita ka

refrain:
alas dos nung linggo (sa gotesco)
nagpolo pa ako (at nagpabango)
nanabik habang (hinahanap ka)
tumigil ang mundo (nang makita ka)

chorus:
chicksilog, ako ay nahulog
nilinlang, niloko, alam ko na’ng sikreto mo
chicksilog, ako ay nahulog
nilinlang, niloko, alam ko na’ng sikreto mo

(instrumental)

walang saysay mag-level ang pantasya ay nasira na
ang iniipong lakas naglaho parang bula
kaya pala ang husay mo sa espada
si maldita ay lalake pala

refrain:
alas dos nung linggo (sa gotesco)
nagpolo pa ako (at nagpabango)
nanabik habang (hinahanap ka)
tumigil ang mundo (nang makita ka)

chorus:
chicksilog, ako ay nahulog
nilinlang, niloko, alam ko na’ng sikreto mo
chicksilog, ako ay nahulog

chicksilog… chicksilog… chicksilog…
sana ikaw ay mabugbog

/ kamikaze lyrics