daloy ng kamalayan lyrics – dicta license

dumadaloy sakin
bawat ilog, lawa at tubig-asin.
dumadaloy sakin,
sa tinataglay kong lawak ng himpapawid

makinig sa pahiwatig ng
makatang galing sa modernong paraan.
hanapin ang sariling ligaw
sa makitid na daan at pagtanaw.
ang pagmamalay wag na wag pabayaan
nang makabangon ang perlas ng silanganan.
isip mo at isip ko
ginintuang sandata ng pagbabago

tanong ng kababayan:
paano makakapag-isip ang walang laman ang tiyan?
sino ang nagsabi
na siya ang huhubog sa kinakabukasan

madalas na ‘di napapansin
edukasyon ngayon ay kulang sa diin.
ang ating mga silid aralan,
ang mga guro nagbebenta na lamang.
pero di ako susuko sa tanong.
pag-asa ko’y kakaibat ng aking dunong.
doon tayo sa malayo tumingin.
mahalin ang bukas na darating.

dumadaloy…
dumadaloy sa akin…
dumadaloy sa iyo…

/ dicta license lyrics