gayuma lyrics – maldita

gayuma

nadadatnan kita, tambay ka sa kanto
tuwing ako’y uuwi, nakatingin ka sa ‘kin
naiinis ako sa mukha mong gusgusin
wala ka bang trabaho’t istorbo ka sa akin

okey ka lang ba,mamang estranghero
kung akala mo’y mahulog sa’yo
maghilamos ka nang todo para tanggal ‘yang amats mo

sa ‘di sinasadya, nagtagpo landas natin
ako’y sinuyo mo akhit ika’y sampal-sampalin
nakita ko ikaw pala’y may magandang hangarin
at ‘di ang yaman ko ang ninanais angkinin

malapit na nga ba ang delubyo
pa’no ang langit at lupa’y nagtagpo
ano bang meron ka’t di ka matanggal sa isip ko

ginayuma mo ata ako at paggising ko, ako’y in love na sa’yo
nagdedeliryo, o ba’t nagkaganito at kahit ‘di tayo bagay,naloloka sa’yo
matatanggal na mana kay daddy ‘pag sa manliligaw ikaw pinili
hilong-talilong sa paghahabol sa’yo

magpatingin na raw ako sa doktor ng ulo
sabi sa ‘kin ng mga kaibigan ko
ano raw kagagahan aking napasukan
at buhay marangya tinalikuran ko

ang sabi nga sa akin ni daddy
“naglupasay mga anghel sa langit”
sa malas na araw na ako ay nabingwit mo

ginayuma mo ata ako at paggising ko, ako’y in love na sa’yo
nadedeliryo, o ba’t nag kaganito at kahit ‘di tayo bagay, naloloka sa’yo
pinagpalit sa kotse, tsokolate at rosas, traysikel, adidas at sampaguitang kwintas
may sayad ba ako at in love na in love sa iyo
may sayad ba ako at in love na in love sa iyo

ginayuma…

/ maldita lyrics