karoling lyrics – siakol

a-beinte k’watro ng disyembre, alas nuebe ng gabi
hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa
tatapat sa bahay-bahay, mangungulit, mag-iingay
iipunin ang bigay para mamaya may tagay

karoling ang saya-saya namin
sa bawat awitin at simoy ng hangin
o karoling simbulo ng pagka-inipin
na gusto mo nang hatakin ang paskong darating

habulan na nga sa tono, hahabulin pa ng aso
‘pag tsik ang nasa bintana harana ang sadya
okey lang kahit patawad o inumin na lapad
tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami

karoling ang saya-saya namin
sa bawat awitin at simoy ng hangin
o karoling simbulo ng pagka-inipin
na gusto mo nang hatakin ang paskong darating

ang aming pagbati sana ay manatili
ang kaligayahan n’yo kahit hindi pasko

/ siakol lyrics