pakiusap lyrics – acel bisa

bukas ay may bagong araw
na sisikat na bahagya ang ningning
kahit ang ulap nagpapakulimlim
pilit sumisilip ang gintong liwanag
sa likod ng tabing

pakiusap sa’yo kung susulyapan
na kahit lihim lang
sana’y may ngiting para sa akin
pakiusap sa’yo kung lilingon ka man
may maiiwanang buntong-hiningang
may himig ng awit na hatid ng hangin

tulad ng ngiti mong matipid sumilay
pilit sumisilay na paminsan minsan
hindi man malimit, hindi man palagi
pagka’t ang ngiti mong sumilay sa labi
ay tulad ng ngiti ng araw
sa likod ng ulap

pakiusap sa’yo kung susulyapan
na kahit lihim lang
sana’y may ngiting para sa akin
pakiusap sa’yo kung lilingon ka man
may maiiwanang buntong-hiningang
may himig ng awit na hatid ng hangin

/ acel bisa lyrics